Nagpapanic ako. Lunchbreak, I had to go to the church pa rin to check kung may mga kailangan pa kong gawin sa simbahan for the fiesta. Tsaka kukunin ko lang yung camera ko na iniwan ko sa kaibigan ko for documentation.
Kaso pagsakay ko ng tricycle, wala palang barya yung manong driver. So sabi niya, dito ko na nga lang daw samin bayaran pag uwi ko since nasa kanto lang naman yung pilahan nila. I agreed. Kaso may manong na dumating. Sabi nya sa driver, 'Boss, magkano ba?'. In short, binayaran niya yung pamasahe ko.
Pero syempre, ibinalik ko naman agad nung nakapagpapalit na ko sa bookstore.
Ang point ko dito, hindi para ipagmalaki at isipin na may lalakeng tumulong sakin. Ang point ko dito, may mga Good Samaritans parin pala sa lugar namin.
Sa totoo lang, rampant naman talaga sa mundo ngayon na walang pakelamanan. Maraming taong kahit helpless ka na sa harap nila, dadaanan ka lang. Hindi ka papansinin. Hindi ka tutulungan. Nakakatuwang isipin na kahit pano, may mga taong handa pa ring tumayo sa kinauupuan, marunong tumayming kung kelan dapat makialam, at maluwag sa loob na tumulong sa kapwa.
Kung sino ka man kuya, salamat po sa pagpapahiram ng trenta. :) Sabi po dito samin, hindi daw po dapat yun yung binayaran natin. Babatukan ko nalang po yung driver mamaya. :) Tenkyu po ulit. :)
No comments:
Post a Comment