Maiba Lang…


Paminsan-minsan, mas masarap pa ring bumalik sa pagsusulat gamit ang papel at bolpen kesa dumiretso sa pakikinig sa takatak ng kibord ng kompyuter.
Paminsan-minsan, mas masarap pa ring gamitin yung salitang nakasanayan na mula pagkabata kesa magpaliwanag gamit ang lenggwaheng pinagpilitan lang matutunan.
Paminsan-minsan, mas masarap pa ring isipin yung mga usaping tunay na nangyayari kesa manatili sa mga panaginip na kailanman hindi magkakaroon ng katuparan.
Paminsan-minsan, mas masarap gawin ang mga bagay ng mas kumportable kesa magpatuloy sa paggawa ng mga bagay na kumportable lang.
Paminsan-minsan, mas masarap magbilang ng mga pahinang nalampasan na kesa manghula kung ilang kabanata pa ang dadating. (Kaso mas masarap yung wala na lang pakialam)
Paminsan-minsan, mas masarap maging yung kung sino ka sa pagkakakilala mo kesa maging isang taong pinagsusumikapan mong maging dahil lang yun yung pangarap mo.
Paminsan-minsan, pwedeng sabihing pagod ka na.
Paminsan-minsan, pwedeng magpahinga.

No comments:

Post a Comment